WeBible
Ang Dating Biblia (1905)
Select Version
Cherokee New Testament (1860) with Sequoyah transliterated forms
Sahidic NT
Czech BKR
1757 Church Slavonic Elizabeth Bible
Danish
Danish New Testament from 1819 with original orthography
Danish OT1871 + NT1907 with original orthography
Elberfelder (1871)
Elberfelder (1905)
Luther (1545)
Greek Modern
American Standard Version
Basic English Bible
Douay Rheims
William Tyndale Bible (1525/1530)
Webster's Bible
World English Bible
Weymouth NT
Young's Literal Translation
Esperanto
Reina Valera NT (1858)
Sagradas Escrituras (1569)
(Navarro Labourdin) NT
Finnish Bible (1776)
Pyha Raamattu (1933 1938)
Darby
Martin (1744)
Scots Gaelic (Gospel of Mark)
Gothic (Nehemiah NT Portions)
NT Tischendorf 8th Ed
Manx Gaelic (Esther Jonah 4 Gospels)
Aleppo Codex
OT Westminster Leningrad Codex
Croatian
Hungarian Karoli
Eastern (Genesis Exodus Gospels)
Western NT
Giovanni Diodati Bible (1649)
Riveduta Bible (1927)
明治元訳「舊約聖書」(1953年版) 大正改訳「新約聖書
Japanese Denmo 電網聖書
Japanese Kougo-yaku 口語訳「聖書」(1954/1955年版)
Japanese Raguet-yaku ラゲ訳「我主イエズスキリストの新約聖書」(1910年版)
Korean
Vulgata Clementina
Baiboly Malagasy (1865)
Sathyavedapusthakam (Malayalam Bible) published in 1910
Judson (1835)
Det Norsk Bibelselskap (1930)
Petrus Canisius Translation
Dutch Staten Vertaling
De ganse Heilige Schrift bevattende al de kanonieke boeken van het Oude en Nieuwe Testament, met de apocriefe (deuterocanonieke) boeken
Studentmållagsbibelen frå 1921
Polish Biblia Gdanska (1881)
Old Public Domain Pohnpeian Bible
Potawatomi (Matthew Acts) (Lykins 1844)
El Evangelio segun S. Lucas, traducido al Romaní, ó dialecto de los Gitanos de España
Synodal Translation (1876)
Albanian Bible
Serbian Bible Daničić-Karadžić Ekavski
Serbian Bible Daničić-Karadžić Ijekavski
Swedish (1917)
Svenska Karl XII:s Bibel (1703)
Svenska Karl XII:s Bibel (1873)
Swahili
Peshitta NT
Ang Dating Biblia (1905)
Klingon Language Version of the World English Bible
NT (P Kulish 1871)
Українська Біблія. Переклад Івана Огієнка.
Vietnamese (1934)
聖經 (文理和合)
Union Simplified
Union Traditional
Widget
Switch to light / dark version
tagalog
1 Mga Cronica 15
6 - Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu;
Select
1 - At gumawa si David ng mga bahay sa bayan ni David; at ipinaghanda niya ng isang dako ang kaban ng Dios, at ipinaglagay roon ng isang tolda.
2 - Nang magkagayo'y sinabi ni David, Walang makapagdadala ng kaban ng Dios kundi ang mga Levita: sapagka't sila ang pinili ng Panginoon upang magsipagdala ng kaban ng Dios, at upang mangasiwa sa kaniya magpakailan man.
3 - At pinisan ni David ang buong Israel sa Jerusalem, upang iahon ang kaban ng Panginoon sa dakong pinaghandaan.
4 - At pinisan ni David ang mga anak ni Aaron, at ang mga Levita:
5 - Sa mga anak ni Coath: si Uriel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at dalawangpu;
6 - Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu;
7 - Sa mga anak ni Gersom: si Joel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at tatlongpu;
8 - Sa mga anak ni Elisaphan: si Semeias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan:
9 - Sa mga anak ni Hebron: si Eliel na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, walongpu;
10 - Sa mga anak ni Uzziel: si Aminadab na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, isang daan at labing dalawa.
11 - At ipinatawag ni David si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote, at ang mga Levita, si Uriel, si Asaias, at si Joel, si Semeias, at si Eliel, at si Aminadab,
12 - At sinabi sa kanila, Kayo ang mga pinuno sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga Levita: magpakabanal kayo, at gayon din ang inyong mga kapatid, upang inyong maiahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel, hanggang sa dakong aking pinaghandaan.
13 - Sapagka't dahil sa hindi ninyo dinala nang una, ang Panginoon nating Dios ay nagalit sa atin, sapagka't hindi natin hinanap siya ayon sa utos.
14 - Sa gayo'y ang mga saserdote at ang mga Levita ay nagpakabanal, upang iahon ang kaban ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
15 - At pinisan ng mga anak ng mga Levita ang kaban ng Dios sa kanilang mga balikat sa pamamagitan ng mga pingga niyaon, gaya ng iniutos ni Moises ayon sa salita ng Panginoon.
16 - At si David ay nagsalita sa pinuno ng mga Levita, na ihalal ang kanilang mga kapatid na mangaawit, na may mga panugtog ng tugtugin, mga salterio, at mga alpa, at mga simbalo, upang magsitugtog ng malakas, at maglakas ng tinig na may kagalakan.
17 - Sa gayo'y inihalal ng mga Levita si Heman na anak ni Joel; at sa kaniyang mga kapatid ay si Asaph na anak ni Berechias; at sa mga anak ni Merari na kanilang mga kapatid ay si Ethan na anak ni Cusaias;
18 - At kasama nila, ang kanilang mga kapatid sa ikalawang hanay, si Zacharias, si Ben, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, si Eliab, at si Benaias, at si Maasias, at si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, na mga tagatanod-pinto.
19 - Sa gayo'y ang mga mangaawit, si Heman, si Asaph, at si Ethan, ay nangahalal na may mga simbalong tanso upang patunuging malakas;
20 - At si Zacharias, at si Jaaziel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Unni, at si Eliab, at si Maasias, at si Benaias, na may mga salterio na itinugma sa Alamoth;
21 - At si Mathithias, at si Eliphelehu, at si Micnias, at si Obed-edom, at si Jehiel, at si Azazias, na may mga alpa na itinugma sa Seminit, upang magayos sa pagawit.
22 - At si Chenanias, na pinuno ng mga Levita, nasa pamamahala sa awitan: siya ang nagtuturo tungkol sa pagawit, sapagka't siya'y bihasa.
23 - At si Berechias, at si Elcana ay mga tagatanod sa kaban.
24 - At si Sebanias, at si Josaphat, at si Nathanael, at si Amasai, at si Zacharias, at si Benaias at si Eliezer na mga saserdote, ay nagsihihip ng mga pakakak sa harap ng Dios: at si Obed-edom, at si Jehias ay mga tagatanod sa kaban.
25 - Sa gayo'y si David, at ang mga matanda sa Israel, at ang mga punong kawal sa mga lilibuhin, ay nagsiyaon upang iahong may sayahan ang kaban ng tipan ng Panginoon mula sa bahay ni Obed-edom:
26 - At nangyari, na pagka tinulungan ng Dios ang mga Levita na nangagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon, na sila'y naghahain ng pitong baka at pitong tupa.
27 - At si David ay nababalot ng isang balabal na mainam na kayong lino, at ang lahat na Levita na nagsisipasan ng kaban, at ang mga mangaawit, at si Chenanias na tagapagturo ng awit na kasama ng mga mangaawit: at si David ay mayroong isang epod na lino.
28 - Gayon iniahon ng buong Israel ang kaban ng tipan ng Panginoon na may mga hiyawan, at may mga tunog ng korneta, at mga pakakak, at may mga simbalo, na tumutunog ng malakas na may mga salterio at mga alpa.
29 - At nangyari, samantalang ang kaban ng tipan ng Panginoon ay dumarating sa bayan ni David, na si Michal na anak ni Saul ay tumanaw sa dungawan, at nakita niya ang haring David na sumasayaw at tumutugtog; at kaniyang niwalang kabuluhan siya sa kaniyang puso.
1 Mga Cronica 15:6
6 / 29
Sa mga anak ni Merari: si Asaias na pinuno, at ang kaniyang mga kapatid, dalawang daan at dalawangpu;
Copy Link
Webible
Freely accessible Bible
48 Languages, 74 Versions, 3963 Books
Widget